Mga Magagandang Tanawin sa Luzon

  1. Hagdan Hagdan Palayan

    1

     Hagdan Hagdan Palayan sa Banaue Kilalang-kilala sa buong daigdig ang tanawing ito. Sa katunayan, ito ay tinagurian natin na “8th Wonder of the World.” Ang tinutukoy kong tanawin ay matatagpuan sa Banaue, Ifugao. Ito ay ang hagdan-hagdang palayan na pinagbuwisan ng buhay ng ating mga ninuno. Ito ay nayari lamang sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Tanda ito ng sipag at pagkamalikhain ng mga unang Pilipino.

  2. Talon ng Pagsanjan

    downloadSa bayan ng Pagsanjan, lalawigan ng Laguna, matatagpuan ang isang napakagandang talon, ang Talon ng Pagsanjan. Malawak at malinaw ang tubig na nagbubuhat sa talon na ito. Higit sa lahat ay kahali-halinang tingnan ang bagsak ng tubig na parang sinasaliwan ng malamyos na tunog ng lagaslas ng tubig-batis.

  3. Lawa ng Taal

    lawa-ng-taalAng Lawa ng Taal ay isang lawang tubig-tang sa lalawigan ng Batangas sa pulo ng Luzon, Pilipinas. Ang lawa ay nasa isang caldera na nabuo ng napalaking mga pagputok sa pagitan ng 500,000 at 100,000 taong nakararaan. Ito ang pangatlong pinakamalaking lawa sa Pilipinas (ang pinakamalaki ay ang Lawa ng Laguna)

  4. Hundred Islands

    indexAng Hundred Islandsa ay matatagpuan sa Barangay Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan. Nakakalat sa Golpo ng Lingayen ang mga pulo at sakop ang lawak na 1844 ektarya. . Ang kabuuang bilang ng mga pulo sa Hundred Islands ay 124, ngunit 123 lang ang makikita kapag nakataas ang tubig.Ito ay dinadayo ng mga turista tuwing tag-araw dito sa Pilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas. Tatlong pulo lamang ang ipinaunlad para sa mga turista, ang mga pulo ng Gobernador, Quezon at Children. Ang Governor’s Island ay para sa pamilya, at may mga pinauupahang silid na may dalawang pinto. Samantala, ang Children’s Island ay para sa mga nagtitipid na manlalakbay na ang mga silid ay may de-gaas na lampara. At ang Quezon Island naman ay para sa mahilig magpiknik at magkamping.

  5. Bulkang Mayon

    mayon-volcano-anne-jimenez.jpgAng Bulkan Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzon sa Pilipinas. Bantog ang bulkan dahil sa halos “perpektong hugis apa” nito. Ang Mayon ang naging hilagang hangganan ng Lungsod ng Legazpi, ang pinakamataong lungsod sa Kabikulan. Unang hinihayag bilang isang pambansang liwasan at isang nakaprotektang lupain ng bansa noong 20 Hulyo 1938. Inuri itong muli at pinangalanang Mayon Volcano Natural Park noong 2000


Leave a comment